BuTi NaLaNg ...

Sunday, August 26, 2012

Lungkot MODE

I feel sad today.. medyo naiinis din kasi di umaayon ang mga bagay bagay sa plano ko.
I'm supposed to focus on what was initially planned, pero eto ako, windang! Ayoko ng ganitong feeling. Ayokong umasa sa ibang tao ng ikasisiya ko. Ayokong dumepende nalang sa fb para lang sumaya ako.. I've been out of track for too long now. Maybe its about time that I put myself back into the right direction. Lord, please help me. Kung meron man akong gustong mangyaring pagbabago sa buhay ko, dapat sa akin magmula, dapat simulan ko na ngayon at dapat panindigan ko... otherwise, uuwi nalang ako sa pinas ...

Monday, February 28, 2011

Hele ni Lola

It’s been 7 months since lola passed away. Akala ko, naka-recover na’ko. Pero bakit ganun? Sa isang simpleng pangyayari sa buhay ko, mukha namang normal na nagyayari iyon, pero bigla nalang sumagi sa isip ko ang isang alaala na magkasabay na nagpalungkot at nagpasaya sa akin…

Mataas kasi ang lagnat ni Jonas kagabi. Epekto yon marahil ng ubo’t sipon pati narin pagdudumi nya. “Mommy hele! Mommy hele!” sabi ng kawawa kong anak. Sinusubukan ko syang ihiga sa kama pero umiiyak sya. Gusto nya, yakapin at ipaghele ko sya. Nung ipinaghele ko na sya, yumakap sya sa akin ng mahigpit. Saktong sakto, pagkayap nya, parang bigla nalang may luhang nangilid sa mata ko. Nung una, nangilid lang pero habang pinipigilan kong mag-isip, lalo namang umapaw yung luha ko .. hanggang sa di ko na napigilan …Sh#*t!!! Naalala ko bigla si Lola…

10 or 11 years old ako noon, ubo ako nang ubo… mataas din ang lagnat ko..madaling araw na, hind parin kami makapagpahinga ni lola… Sinubukan nya akong pahigain pero bumabangon parin ako dahil nahihirapan akong huminga dahil sa kaka-ubo. Habang nakapikit ako at nahihirapan … umiiyak naman si Lola. Sabi nya “ Diyos ko, sana ako nalang ang mahirapan...” Lahat na nang posisyon pinagawa nya sakin para lang makatulog ako hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na nakakakuha na ng maginhawang pagtulog habang nakasandal sa pinagpatung-patong na unan ni Lola. Nakatulog ako ng nakaupo. Mahimbing na nakatulog habang puyat naman na nagbabantay sakin ang lola ko…Ang sikip sa dibdib kapag naaalala ko ang mga ganitong pag-aasikaso nya .. kasi miss na miss ko na sya …

Wala naman kasi akong masabihan noon nang “Mommy hele!” kasi hindi ako lumaking kasama ang mommy ko. May sarili na syang pamilya at malamang iba na ang tumatawag sa kanya ng Mommy. Kaya si Lola na ang naging mommy ko. Napakadakila nang pagmamahal nya… Alam ko, marami pang mga pangyayari sa buhay ko ang magpapa-alala sakin sa kanya. At lalong higit na magpaparamdam ng labis na pangungulila ko kay Lola.

Lola, kung nasan ka man, maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa’kin. Salamat dahil alam kong ipinaghehele mo parin ako sa mga pagkakataong nalulungkot ako at maraming iniisip na problema. Lola, Alam ko na magkikita rin tayo balang araw. Pero sa ngayon, gagampanan ko rin muna ang tungkulin ko bilang ina. Mahal na mahal kita. I miss you!

Labels:

Tuesday, August 26, 2008

aNToK

Ilang beses narin itong nangyayari sa'kin kaya naisipan kong gawan ng paraan...
Nasubukan mo na bang magdasal sa gabi tapos sa sobrang antok, lumilipad na ang diwa mo hanggang sa makatulog ka na at sa halip na "amen" ay "zzZZnGoRrrrKKK!" na ang lumalabas sa bibig mo. In short, hindi na natapos ang pagdarasal mo.
Ako, madalas guilty. Naisip ko nga, hindi naman ako masyadong pagod maghapon pero bakit wala na'kong energy para magdasal sa gabi? Shall I blame the pregnancy hormones? (ayos sanang palusot yun)
Nahihiya na'ko sa KANYA...Siguro nage-effort nalang si Lord na basahin ang nasa puso ko kapag alam NIYANG nakatulog na naman ako. Alam ko, ginagawa NIYA yun kasi yung mga bagay na gusto ko ... materyal man o hindi ... kusa nalang dumarating kahit hindi ko nababanggit sa prayers ko. Kaya nga mas lalong nakakahiya.
Isang challenge ito sa isang antuking buntis na kagaya ko. Mamaya, susubukan kong mag-focus at mag-concentrate habang nagdarasal para hindi ako talunin ng ANTOK. Kaya ko 'to!

Saturday, January 05, 2008

Pikchuran!








Pagkalipas ng maraming taon ng paghihintay... wa ha ha! May digicam na'ko! kULAY fink! Sony T70. Bigay ni Maries ; )

Ang siste, hindi pa'ko marunong gumamit. Ang alam ko lang ay kumuha ng picture. Isang click lang, may picture na.








Saturday, November 18, 2006

Namimiss Ko Na ...

Si PuToL ...

Isang asong askal na putol ang buntot na lumaki at tumanda na kasabay namin
Isang maamo at mabait na kaibigan na kahit anong oras ako dumating sa bahay, sumasalubong parin sa'akin ... na masayang masaya
Para bang ilang taon kaming hindi nagkita at miss na miss nya ako tuwing nagkikita kami
Si Putol na iiyak nalang kapag pinapalo ni lola (dahil napagbintangang nangaway ng ibang aso)
Na minsan ay lampa dahil nalalaglag pa sa hagdan kahit na apat ang paa
Na sisilip lang sa pintuan ng bahay pero hindi naman papasok kasi mas gusto nya sa labas
Na gusto pang sinusubuan pag pinakakain ng pandesal
Na natuto nalang maligo nung matanda na sya
Na ayaw magpahawak ng ilong pero walang magawa kapag napapagtripan ko
Isang espesyal na bahagi ng buhay namin ...
Isang mapagmahal na kaibigan ...

Sayang at hindi na namin sya makakasama... Hindi man lang namin naipagtanggol nung gabing masagasaan sya ... Para nga akong tanga! Iyak ng iyak sa isang aso ... Nanghihinayang dahil wala naman syang sakit tapos ganun lang ang mangyayari. Nagising nalang kami na wala na syang buhay. Hindi ko sya makakalimutan. Ilang araw na ang lumipas nung mawala sya pero nami-miss ko parin sya ; (

Tuesday, September 26, 2006

A Ba KA dA

Pagkagaling ko sa IQA meeting sa Pier 4, nagpaalam na'ko agad sa kanilang lahat. Kahit na medyo umuulan ulan pa, sumugod na'ko kasi kailangan ko talagang magpunta sa PLM. Kaya mga bandang 5pm, nakasakay na'ko ng taxi at medyo pinaringgan ko yung driver na "idaan nyo po kung san madali kasi hanggang 5:30 lang po yung office" ... pero ang totoo hanggang six pm pa naman. Gusto ko lang iparamdam kay manong na urgent yung pupuntahan ko kaya wala na syang time para iligaw ako at iikot kung saan-saan. Hehe. So far, tagumpay naman. Nakarating ako sa Admission Office ng Graduate School of Arts, Sciences & Education. Since ako nalang naman yata ang tao dun, binuksan ko na sa loob ng office yung basa kong payong at iniharang sa daanan para matuyo agad.Pinasa ko yung photocopy ng Transcript ko at nakita ko na naman yung tres ko sa Algebra.Nag-fill out ako ng form para sa admission.So kailangan ko pa palang mag-qualifying exam bago makapagmasteral.hhhmmm... sana naman walang Math yun. Kasi kung may Math yun, magda-drop na'ko agad kahit hindi pa'ko nagpapa-enroll. Hehe.

Saturday, July 01, 2006

We'rE LeAviNg

eto na yun... nagsimula na kaming mag-turn over ng mga documents na hawak namin. nakakalungkot isipin na maghihiwalay na kaming lahat. mamimiss ko sila. mamimiss ko ang samahan namin. kung ano man ang naghihintay sa aming lahat, sana maganda yun. sana lahat kami magkaroon ng magandang trabaho. sana kahit na magkahiwalay na kaming lahat, kahit na kanya-kanya na, sana ganun parin ang samahan kapag nagkita-kita kami uli.
kanina, pinanood namin yung ginawa ni jhake para sa grupo. habang pina-flash yung pictures ng grupo, tinutugtog yung through the years. nalungkot ako pero dinadaan nalang sa biro. pa'no, medyo nakakahiya naman kung magmama-drama ako.
alam ko na hindi pa ganoon ka-lungkot ngayon pero sa mga susunod pa na araw, unti-unti nang mababawasan ang mga gamit namin. unti-unti nang lilinis ang opisina hanggang sa isa-isa narin kaming mag-alisan at upuan nalang ang matitira. tapos puro alaala nalang ang maiiwan pati yung mesa sa pantry na saksi sa lahat ng mga pagluha at kulitan.
mamimiss ko sila. sobra.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)